Pmc7230 download software radeon x1400 windows 7 | Windows xp professional nad cd key windows vista sound scheme problems | Dws windows windows caps lock shift | Geopath downloads web based bulk email software | Software para gtran n 120 define kbm software | History of word processing software freeware text editing software

Advertisement

Katrina Halili faces Marian Rivera anew in Darna

Mula sa soap na Mari Mar, muling nagkaharap sina Katrina Halili at Marian Rivera sa eksena ng nangunguhang fantaserye ng GMA 7 na Darna.

Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Katrina na na-miss niya na maka-eksena si Marian na huli niyang nakasama sa MariMar ilang taon na ang nakalipas. Kabilang si Katrina sa mga bagong kontrabida sa Darna kung saan gumaganap siya bilang si “Serpina.”

Ayon kay Katrina, hindi na dapat intrigahin pa ang pagsasama nila ni Marian tulad noon sa Mari Mar. Maganda raw ang relasyon nila ni Marian sa taping ng Darna.

“Actually ang naramdaman ko nang mag-scene kami sinabi ko nga sa mga kasama ko na sobrang na-miss ko nga, para lang akong nasa Mari Mar, na miss ko siyang kaeksena,” pahayag ni Katrina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.

Sa naunang Darna, gumanap din si Katrina na kontrabida bilang si “Black Darna.” Mas mahirap umano ang karakter ni Katrina ngayon bilang si Serpina dahil na rin sa kanyang costume at prosthetics na idinidikit sa kanyang katawan.

Sa kabila ng mga trabaho, nagawa pa rin ni Katrina na tutukan ang kanyang kaso na isinampa laban kay Hayden Kho Jr. dahil sa lumabas nilang sex video.

Kahit na may kabagalan ang usad ng pagdinig sa kaso, sinabi ni Katrina na hindi siya maiinip basta lumabas lang ang katotohanan.

“So far maganda naman po ang tinatakbo ng laban namin pero siyempre hindi pa rin tayo magpapakasigurp, siyempre hindi pa rin tapos,” ayon sa seksing aktres. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Related Posts with Thumbnails

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.